Isa sa pinakamalaking problema ngayon ng Philippine economy ang pagbaba ng investments, kasabay ng paghina ng confidence ng consumers at businesses.
Sa hearing ng Senate Ad Hoc Committee on Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth o RISE, sinabi ni Senate President Win Gatchalian na tinatayang P2.75 trillion ang nawalang economic activity ng bansa mula second quarter ng 2025 hanggang second quarter ng 2026.
Ayon kay Gatchalian, kasama rito ang actual losses at mga oportunidad na hindi natuloy, na iniuugnay niya sa corruption at inflation.
Batay naman sa Philippine Statistics Authority, 2.3 percent lang ang GDP growth noong second quarter ng 2026. Mas mababa ito sa 3.9 percent growth noong third quarter ng 2025.
Ayon kay DEPDev Undersecretary Reynaldo Cancio, bumaba sa negative 6.5 percent ang total investments sa first half ng 2026, mula negative 5.9 percent noong second half ng 2025.
Mas malaki ang naging bagsak sa public construction, na umabot sa negative 32 percent growth.
Sinabi rin ni Cancio na naapektuhan ang confidence ng investors dahil sa governance concerns at Middle East crisis. Samantala, lumago naman ang exports ng 10 percent sa first half ng 2026, kumpara sa 6 percent noong kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Para sa Senate RISE committee, kailangan ang structural reforms at long-term solutions para maibalik ang investment at mapanatili ang economic growth.
Samantala, sinabi ng Agriculture Department na na-reactivate na ang national task force on El Niño at hindi nila inaasahang magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng agricultural commodities. | BChannel news