Muling nagbabalik ang 3-Day Sale sa SM City Batangas ngayong Ber months, na nag-aalok ng discounts na hanggang 70% para sa mga mamimiling naghahanda na rin para sa nalalapit na Pasko.
Sa October 16, 17, at 18, maaaring samantalahin ng shoppers ang mga promo sa fashion items, household essentials, lifestyle products, at mga regalong puwedeng ihanda para sa pamilya at mga kaibigan.

Hindi lang pagtitipid ang maaaring makuha sa pamimili. Sa bawat ₱1,000 na purchase, may isang e-raffle entry ang shoppers para sa pagkakataong manalo ng Suzuki Fronx GLX AT Hybrid.
Sa gitna ng mga gastusin ngayong holiday season, maaaring gamitin ang sale para unti-unting mabili ang mga pangangailangan at regalo, habang pinaplano pa rin nang maayos ang budget.
Maaari ring gawing bonding activity ng pamilya at magkakaibigan ang pagbisita sa mall habang namimili, kumakain, o nagkakape.
Kaya markahan na ang October 16, 17, at 18 para sa pagbabalik ng 3-Day Sale sa SM City Batangas, kung saan may pagkakataong makatipid at manalo ng bagong sasakyan. #BCBrandLab