Opens in a new tab
Skip to content
Local

Apat na lalaki, arestado sa isang lungga ng ilegal na droga sa Calamba City, Laguna

Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos buwagin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Poblacion 2, Calamba City, Laguna, noong October 17, 2026.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Laguna, isinagawa ang buy-bust operation katuwang ang PNP Regional Intelligence Unit 4A, bandang alas-3:26 ng hapon sa Tibag Road.

Kabilang sa mga naaresto sina alias “Kulot” at alias “Jabbar,” na kapwa tricycle driver; alias “Ralp,” isang construction worker; at alias “Jericho,” isang ALS student. Lahat ay residente ng Calamba City.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang pitong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 48-thousand-300 pesos, kasama ang drug paraphernalia at buy-bust money.

Nahaharap ang apat sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12, at 15 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

| BChannel news