Opens in a new tab
Skip to content
Local

50 hanggang 60 taong gulang na pawikan, natagpuang patay sa Occidental Mindoro

Narekober ng Philippine Coast Guard at Department of Environment and Natural Resources o DENR ang isang patay na green sea turtle, na posibleng namatay dahil sa fishing line na nakitang nakakabit sa katawan nito, sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Natagpuan ang babaeng pawikan noong October 21, 2026, sa layong 100 meters mula sa baybayin ng Sablayan Feeder Port, Barangay Poblacion.

Ayon sa isinagawang assessment ng DENR at Community Environment and Natural Resources Office o CENRO Sablayan, may fishing line na nakausli mula sa anal area ng pawikan, na posibleng nakapag-ambag sa pagkamatay nito. Tinatayang isang linggo na itong patay nang matagpuan.

May habang 90 centimeters at lapad na 80 centimeters ang pawikan, na tinatayang nasa 50 hanggang 60 years old.

Matapos ang pagsusuri at dokumentasyon, inilibing ang labi nito sa Zone 1, Barangay Poblacion, alinsunod sa wildlife handling at conservation protocols. | 📸 Coast Guard District Southern Tagalog