Iba’t ibang bansa sa buong mundo ang nagdiriwang ngayong April 1 ng April Fools’ Day na isang araw na kilala sa pranks, jokes, at mga kwelang panloloko.
Sa modernong panahon, hindi lang ordinaryong tao ang nakikiisa dahil maging TV shows, brands, at media outlets ay gumagawa rin ng pekeng balita o announcements para lang maghatid ng aliw.
Bagama’t hindi eksaktong matukoy kung saan ito nagsimula, isa sa mga pinaniniwalaang pinagmulan ay noong 1582 sa France, nang ilipat ang New Year mula April 1 papuntang January 1.
Ang mga hindi agad naka-adapt sa pagbabago ay tinawag na “April fools” at ginawang biro ng iba.
May isa ring teorya na konektado ito sa sinaunang Roman festival na Hilaria, kung saan uso ang pagbibihis, pagpapanggap, at panlilinlang bilang bahagi ng selebrasyon.
Sa paglipas ng panahon, naging global tradition na ang April Fools’ Day, pinatutunayan na kahit sa gitna ng seryosong balita at pang-araw-araw na hamon, may lugar pa rin ang katatawanan.
Pero paalala sa publiko na siguraduhing harmless at hindi nakakasama ang mga biro—dahil ang tunay na diwa ng araw na ito ay saya, hindi panlalamang.