Naka-activate ang emergency alert sa Japan matapos ang hinalang ballistic missile launch mula North Korea ngayong araw, April 8.
Agad nag-utos ang Prime Minister na si Sanae Takaichi ng maximum effort sa pagkuha ng impormasyon, pagprotekta sa mga ari-arian, at pagpapatupad ng safety measures.
Sa initial report ng Prime Minister’s Office, kinumpirma ang posibleng missile launch habang hinihintay pa ang karagdagang detalye.
Dahil dito, agad na kumilos ang defense at security agencies ng Japan, kasama ang pakikipag-ugnayan sa regional partners, para masuri ang sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Pinayuhan ang mga residente, lalo na sa coastal at northern areas, na manatiling alerto at sundin ang official updates.
Bilang precaution, inactivate rin ang emergency protocols para sa aviation at maritime sectors upang maiwasan ang anumang panganib sa biyahe sa himpapawid at karagatan.
Bahagi ng patuloy na tensyon sa rehiyon ang ganitong missile tests ng North Korea, na nagdudulot ng pangamba sa civilian safety at international travel routes.
Sa ganitong sitwasyon, nananatiling nakaantabay ang Japan Self-Defense Forces para i-monitor ang trajectory at posibleng epekto ng anumang missile launch.