Bumaba na sa humigit-kumulang 75 sentimo ang purchasing power ng piso nitong March 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Ibig sabihin, ang ₱1 na halaga noong 2018, mas kaunti na ang nabibili ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Ayon kay Claire Dennis Mapa, direktang epekto ito ng inflation na umabot sa 4.1% noong March, ang pinakamataas sa mahigit isang taon. Kapag tumataas ang inflation, bumababa ang halaga ng pera, kaya mas ramdam ang gastos ng mga konsyumer.
Sa ngayon, umaasa ang mga awtoridad na mag-stabilize ang inflation, habang may mga mungkahi mula sa iba’t ibang grupo para makatulong sa mga sektor na pinaka-apektado ng pagtaas ng presyo.