Nangako ang Philippine Statistics Authority na makakapag-deliver ng karagdagang 12 million national ID cards ngayong taon, ayon sa pagdinig ng Senado.
Ito ay dagdag sa mahigit 55 million physical cards at halos 49 million paper IDs na naipamahagi na. Ayon sa ahensya, nasa higit 90 million digital IDs na rin ang ready for access.
Gayunman, aminado ang PSA na may problema pa rin sa printing kaya patuloy ang paggamit ng paper format. Tiniyak naman ng ahensya na makakatanggap pa rin ng physical card ang lahat.
Sa pagdinig, inamin ni Sen Erwin Tulfo na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang national ID kahit ilang beses na siyang nagpa-register.
Inirekomenda ng PSA ang paggamit ng digital ID sa eGov PH App habang tuloy-tuloy pa ang registration sa bansa na may populasyong higit 112 million.