Opens in a new tab
Skip to content
Business

Pilipinas at Japan, palalakasin ang Luzon Economic Corridor bilang global hub

Pinagtibay ng Pilipinas at Japan ang kanilang partnership para palakasin ang Luzon Economic Corridor o LEC, na layong gawing world-class economic hub sa rehiyon.

Ito ay napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa kanilang meeting sa Tokyo, kung saan tinalakay ang pagpapalawak ng infrastructure at economic projects sa bansa.

Kabilang sa mga priority ang pagpapaganda ng railways at ports, pagpapalakas ng clean energy, semiconductor supply, digital connectivity, at agribusiness. Layunin nitong mapabilis ang economic growth at mapatatag ang global supply chains sa Luzon, partikular sa mga lugar tulad ng Subic, Clark, Manila, at Batangas.

Bahagi rin ng plano ang pakikipagtulungan sa Estados Unidos, pati na rin sa ibang partner countries gaya ng Australia at India, para sa mas matibay na economic at security cooperation.

Sinabi rin na malaking papel ang gagampanan ng tulong mula Japan sa pamamagitan ng kanilang Official Development Assistance para masuportahan ang mga proyekto sa transport, energy, at digital infrastructure, kabilang na ang undersea cables at 5G technology.

Napag-usapan din ang pagpapalakas ng sektor ng enerhiya, tulad ng renewable energy at liquefied natural gas, pati na ang advanced technologies gaya ng artificial intelligence. | BChannel News