Opens in a new tab
Skip to content
Education

₱10,000 dagdag-suweldo para sa public school teachers, isinusulong sa senado

Isinusulong ni Senator JV Ejercito ang panukalang magdagdag ng ₱10,000 sa basic monthly salary ng mga guro sa pampublikong paaralan, anuman ang haba ng kanilang serbisyo.

Sa Senate Bill No. 335 o Dagdag Suweldo Para sa mga Guro Act, layunin nitong tugunan ang pinansyal na hamon ng mga guro at makatulong na mapanatili sa public education system ang mga kwalipikadong educators.

Ayon kay Ejercito, hindi lamang pagtuturo ang trabaho ng mga guro kung saan kabilang din dito ang paghahanda ng lessons, pag-check ng papers, paggawa ng reports at paggabay sa mga estudyante.

Giit ng senador, mahirap makamit ang de-kalidad na edukasyon kung patuloy ding nahihirapan ang mga guro sa kanilang kabuhayan.

Sa panukala, ₱10,000 ang karagdagang basic pay, hindi depende sa seniority o haba ng serbisyo ng isang public school teacher.