Bagama’t bumaba na sa 9.7 percent ang poverty incidence sa Pilipinas noong 2025, nasa 11.08 million pa rin ang tinatayang Pilipinong hindi sapat ang kita para sa kanilang basic food at non-food needs.
Ito ang isa sa mga hamon na tinalakay nina Executive Secretary Ralph Recto at National Anti-Poverty Commission o NAPC Secretary at Lead Convenor Emmanuel “Manny” Pacquiao sa kanilang meeting sa Malacañang noong October 1.
Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, mula 15.5 percent noong 2023, bumaba sa 9.7 percent ang poverty incidence noong 2025. Katumbas ito ng humigit-kumulang 11.08 million Filipinos.
Target naman ng administrasyong Marcos na maibaba pa ito sa 9 percent pagsapit ng 2028.
Kaya pinag-usapan nina Recto at Pacquiao ang mga susunod na hakbang para mas maayos na magtulungan ang government agencies sa mga programang direktang nakatutok sa mahihirap na pamilya.
Ayon kay Recto, kailangang ipagpatuloy at pabilisin ang mga programang tumutugon sa gutom at kahirapan.
May historical connection din si Recto sa NAPC. Bilang mambabatas, kabilang siya sa mga nagsulong ng Republic Act 8425 o Social Reform and Poverty Alleviation Act, na lumikha sa NAPC at naging batas noong December 11, 1997.
Halos tatlong dekada matapos nito, panibagong target ang haharapin ng NAPC—ang pagbaba ng poverty incidence sa 9 percent sa 2028.