Opens in a new tab
Skip to content
International

Mga pamilya ng 65 pilipinong mangingisda na detained sa Sabah, Malaysia, nanawagan ng tulong

Nasa kustodiya ng Malaysian authorities ang 65 Pilipinong crew members at kanilang captain matapos ma-detain ang kanilang fishing vessel dahil sa umano’y illegal fishing sa karagatan ng Malaysia noong Linggo.

Ayon sa Malaysian Maritime Enforcement Agency o MMEA, na-intercept ang fishing vessel bandang 1:30 ng hapon, habang nasa humigit-kumulang 18 nautical miles west ng Mantanani Island sa Kota Belud.

Nakita umano ng MMEA ang vessel habang nagsasagawa ng routine patrol. Sa initial inspection, nakita ang mga crew na naglilipat o nag-u-unload ng tinatayang apat na toneladang seafood.

Ayon kay First Admiral Mohd Khairulanuar Abd Majid @ Razali, Director of Maritime Affairs ng Sabah at Federal Territory of Labuan, nakitaan din umano ng posibleng paglabag sa Immigration Act 1959/63 ang mga sakay ng barko.

Kabilang dito ang umano’y kawalan ng valid identification documents o work permits.

Bukod dito, iniimbestigahan din ang mga ito dahil sa posibleng paglabag sa Fisheries Act 1985, dahil umano sa pangingisda nang walang permiso mula sa Director General of Fisheries ng Malaysia.

Dahil dito, isinailalim sa kustodiya ang fishing vessel, kasama ang captain, crew at seafood na dala nito. Dinala sila sa MMEA Jetty bago ipinasa sa investigating officer para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang aksyon.

Tinatayang nasa 350-thousand Malaysian ringgit, o humigit-kumulang ₱5 million, ang kabuuang halaga ng barko at marine products na nasamsam, batay sa pahayag ng Malaysian authorities.

Iginiit naman ng MMEA na hindi nito palalampasin ang mga foreign fishing vessel na pumapasok sa kanilang national waters o nangingisda nang walang kaukulang permiso.

Samantala, pamilya mula sa Nasugbu, Batangas ang humingi ng tulong sa Department of Foreign Affairs, OWWA at iba pang concerned agencies para matiyak ang kaligtasan, kalusugan at legal na kalagayan ng 65 Pilipino.

Sa mensaheng ipinadala sa Balisong Channel News Team, hiniling din ng mga pamilya na matulungan silang ma-monitor ang kaso at maipaliwanag ang legal process na kinakaharap ng kanilang mga kaanak.

Umaasa ang mga pamilya na mabibigyan sila ng sapat na impormasyon at tulong upang makauwi nang ligtas sa Pilipinas ang mga mangingisda.

Walang