Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

22-anyos na lalaki, patay sa pamamaril habang nag-aasikaso sa tanim na sitaw sa Laurel, Batangas

crime scene do not cross signage

Patay ang isang 22-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagaasikaso sa kanyang tanim na sitaw sa Barangay Balakilong, Laurel, Batangas, nitong Huwebes ng gabi, October 8.

Kinilala ang biktima na si Udok, at residente ng Purok 2, Barangay Balakilong.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Laurel Municipal Police Station, nangyari ang pamamaril dakong alas-6:10 ng gabi at nai-report sa pulisya bandang alas-6:30 ng gabi.

Maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek nang naglalakad patungo sa hindi matukoy na direksiyon, dala ang ginamit na baril.

Nagsagawa na ang mga pulis ng dragnet at backtracking operations upang matukoy at mahanap ang mga salarin. Humingi rin sila ng tulong sa Scene of the Crime Operatives o SOCO at nakipag-ugnayan para makuha ang mga kuha ng CCTV camera sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril. | BChannel News