Opens in a new tab
Skip to content
National

DOE sinabing walang epekto sa oil supply ng Pilipinas ang export ban ng China

gasoline pumps in close up photography

Tiniyak ng Department of Energy o DOE na hindi maaapektuhan ang suplay ng langis sa Pilipinas sa planong export ban ng China.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nag-iipon ngayon ng langis ang China matapos mailabas ang malaking bahagi ng kanilang reserves noong nakaraan.
Sinabi ni Garin na nagsagawa na rin ng pagsusuri ang DOE sa mga oil company sa bansa at walang nakitang epekto sa suplay. Mayroon din umanong long-term contracts ang mga kumpanya na patuloy nilang sinusunod.

Matatandaang nagpasya ang China na ihinto ang pag-export ng langis sa ibang bansa dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito, kasunod ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.