Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Batangas Country Club, may November treat para sa mga engineer, bankers, guro, nurses, office employees, at marami pa

Matapos ang mahabang araw ng trabaho, marami sa mga professionals o empleyado ang naghahanap ng pagkakataong makapagpahinga at makapag salo-salo sa isang masarap na pagkain kasama ang pamilya, kaibigan, o mga katrabaho.

 

Simula sa Nobyembre, naghanda ang Batangas Country Club (BCC) ng munting handog para sa mga professionals o empleyado mula sa iba’t ibang larangan at industriya.

Ang The Prestige Hour: Professionals’ Night ay isang treat ng BCC para sa mga natatanging hoteliers, engineer, bankers, mga abogado, guro, at mga medical professionals matapos ang mahabang araw ng mga ito sa trabaho.

 

Maaaring ma-enjoy ang exclusive perks na 25% OFF sa food bill mula 6:00 PM hanggang 9:00 PM sa nakatakdang araw ng inyong propesyon.

Ang araw ng Lunes ay para sa mga empleyado ng hotel, resort, restaurant, at tourism industry sa ilalim ng Hoteliers’ Night. Engineers’ Night naman tuwing Martes para sa mga lisensyadong engineer, habang Bankers’ Night ang araw ng Miyerkules para sa mga empleyado ng bangko.

Ang araw ng Huwebes naman ang nakalaan bilang Lawyers’ Night para sa mga abogado. Tuwing Biyernes bilang Educator’s Night para sa mga guro, office employees at executives. 

Samantala, Medical Professionals’ Night tuwing Linggo para sa mga doktor, dentista, specialists, nurses, at pharmacists.

 

Ang 25% OFF ay exclusive sa Mango Grill – outlet restaurant ng BCC. Dalhin at ipakita lamang ang valid company o professional ID para ma-enjoy ang discount.

Ayon sa BCC, layunin nitong kilalanin ang dedikasyon at pagsisikap ng bawat empleyado sa kanilang mga trabaho sa pamamagitan ng ilang oras na pahinga at masarap na salo-salo, katuwang ang BCC.

 

Matatagpuan ang Batangas Country Club sa Brgy. Bolbok, Batangas City. Para sa ibang impormasyon, maaaring tumawag sa 0917-528-2337 o 722-1228 / 0820. | #BCBrandLab