Opens in a new tab
Skip to content
Business

Piso, sumadsad sa bagong all-time low na P63.23 kada dolyar sa ilalim ng Marcos administration

a close up shot of philippines peso coins

Nakapagtala ang Philippine peso ng panibagong all-time low matapos umabot sa ₱63.23 kada US dollar sa intraday trading nitong Biyernes ng umaga, October 16, 2026, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Mas mababa ito sa dating record na ₱63.15 kada dolyar noong early trading nitong Huwebes, ayon sa Bankers Association of the Philippines.

Samantala, nagbukas ang piso sa ₱62.83 kada dolyar at nagsara sa ₱62.87 noong Miyerkules, October 14.

Malapit na rin noon ang closing rate sa dating record-low na ₱62.90 na naitala noong October 8. Ang paghina ng piso ay maaaring makaapekto sa halaga ng imported na produkto at iba pang gastusing nakadepende sa dolyar.