Nagmistulang science fiction ang bagong demonstration ng Tesla Roadster, matapos ipakita ang electric sports car na nagba-backflip sa ere at gumamit ng built-in thrusters para sa landing.
Opisyal na inilabas ng Tesla sa United States ang redesigned Roadster noong October 15, Thursday, US time, o October 16, Friday, Philippine time. Kasama sa development nito ang SpaceX, ang rocket company ni Tesla CEO Elon Musk.
Sa social media video, ipinakita rin ang sasakyan na umaakyat sa ramp at bumabaligtad habang nasa ere. Gumamit din ito ng suction system sa demonstration para makabiyahe nang patiwarik.
Unang ipinakita ang prototype ng next-generation Roadster noong 2017, kaya halos siyam na taon ang lumipas bago ang bagong unveiling.
Ayon sa mga naunang pahayag ni Musk, target ang production sa 2028 at posibleng umabot sa halos isang segundo ang acceleration mula zero hanggang 60 miles per hour. | BChannel news