Magkakaiba ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, kung saan malaking bawas ang inaasahan sa gasolina habang tataas naman ang diesel.
Ayon sa Department of Energy o DOE, maaaring magpatupad ang mga fuel retailer ng rollback na hindi bababa sa ₱4.30 kada litro ng gasolina. Samantala, posibleng umabot sa ₱2.60 kada litro ang dagdag-presyo sa diesel. Bababa rin ng ₱1 kada litro ang presyo ng kerosene ngayong linggo.
Anila, dulot ng humihinang demand at pagdami ng supply sa Asia at United States ang pagbaba ng presyo ng gasolina.
Gayunman, nagbabala na patuloy na banta sa suplay ng langis ang tumitinding tensyon sa Middle East, na isa sa mga pangunahing rehiyong pinagmumulan ng langis sa mundo.
Dahil dito, habang may inaasahang tipid ang mga gumagamit ng gasolina, dagdag-gastos naman ang posibleng kaharapin ng mga motorista at negosyo na umaasa sa diesel. | BChannel news