Opens in a new tab
Skip to content
Weather

Bagyong Rosal humina, pero hangin at alon nananatiling banta sa ilang lugar

Humina bilang Typhoon category si Rosal, international name Champi, habang kumikilos northwestward sa Philippine Sea, silangan ng Batanes, ayon sa DOST-PAGASA.

As of 2 PM ngayong October 22, nasa 370 kilometers east ng Itbayat, Batanes ang sentro ng bagyo, na may maximum sustained winds na 165 kilometers per hour at gustiness na 205 kilometers per hour. Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands, kung saan posibleng maranasan ang gale-force winds na 62 hanggang 88 kilometers per hour. Signal No. 1 naman ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, ilang bahagi ng Isabela, Ilocos Norte at Apayao, na posibleng makaranas ng hanging 39 hanggang 61 kilometers per hour.

Posibleng umabot sa 12 meters ang taas ng alon sa hilaga at silangang baybayin ng Batanes, habang hanggang 9 meters naman sa Babuyan Islands at ilang bahagi ng Cagayan.

Pinapayuhan ang lahat ng sasakyang pandagat na manatili muna sa pantalan o humanap ng ligtas na masisilungan. Pinapayuhan din ang maliliit na bangka na huwag munang pumalaot sa mapanganib na kondisyon ng dagat.

Samantala, asahan ang malalakas na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, pati sa ilang lugar sa Mindanao, ngayong October 22 at sa mga susunod na araw.

Inaasahang lilihis pahilagang-kanluran ang Rosal bago kumilos pahilagang-silangan sa Sabado, October 24. Posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Biyernes ng gabi o madaling-araw ng Sabado.

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko at pinapayuhang sundin ang mga abiso at evacuation instructions ng mga lokal na awtoridad. Posible pa ring makaranas ng malakas na ulan at hangin ang mga lugar na nasa labas ng inaasahang dadaanan ng bagyo.