Sa gitna ng pabago-bagong presyo ng petrolyo, patuloy na naghahanap ang maraming Pilipino ng mga paraan upang makatipid sa araw-araw na gastusin, kabilang na ang pamasahe at gastos sa pagbiyahe.

Isa sa mga alternatibo na unti-unting nagiging bahagi ng usapan ay ang mga electric vehicle (EV), kabilang ang mga electric motorcycle.
Sa kanilang bagong promo, mas ginawang abot-kaya ng VinFast Philippines ang kanilang E-Motorcycle line up na pasok sa budget ng mga naghahanap ng alternatibong paraan ng transportasyon.
Mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 30, maaaring makatipid ng hanggang Php 10,395 ang mga bibili ng VF E-Motorcycle, partikular ang EVO, Feliz II, at Viper.

Bawat unit model ay nag-aalok ng mga natatanging feature na angkop sa iba’t ibang pangangailangan ng mga rider, mula sa pang-araw-araw na commuter hanggang sa mga naghahanap ng mas mataas na performance.
Bukod sa malaking discount, mayroon ding bonus na libreng battery subscription sa loob ng isang taon. Malawak din ang option dahil maaaring magkaroon ng libreng battery swap service sa loob ng isang taon kapalit ng Php 6,700 purchase discount.
Sa bagong promo, ang VinFast EVO ay maaaring mabili Php 53,055 mula sa halagang Php 62,900. Mayroon itong top speed na hanggang 80 km/h, at driving range na hanggang 150 km gamit ang dalawang fully charged battery.

Para sa mga rider na trip ang porma at performance, swak ang VinFast Feliz II, na nagkakahalaga ng Php 54,955 mula sa halagang Php 64,900. Ito ay may top speed na hanggang 90 km/h, at range na hanggang 150 km.

Samantala, kasama rin sa pagpipilian ang VinFast Viper, sa halagang Php 63,505 mula sa halagang Php 73,900. Bukod sa 90 km/h top speed at 150 km range, mayroon itong smart key remote tracking, TFT display, projector headlights, at dual rear shock absorbers para sa mas premium na riding experience.

Higit sa mas mababang presyo, malaki rin ang tipid na maibibigay nito sa pangmatagalang panahon.
Ayon sa VinFast E-Motorcycle Philippines, tinatayang apat at kalahating oras ang charging time ng bawat baterya gamit ang karaniwang outlet sa mga bahay.
Bukod dito, may IP67 waterproof standard ito kung saan sumailalim sa pagsusuri sa lalim na 0.5 metro sa loob ng 30 minuto. Gumagamit din ito ng lithium iron phosphate (LFP) battery technology, na kilala sa thermal stability at posibilidad na mas mahabang service life.
Binigyang halaga din ng VinFast ang after sale service sa bawat customer.
Ang kanilang mga e-motorcycle ay may standard warranty na apat na taon o 60,000 km, kasama ang karagdagang dalawang taon o 12,000 kilometro bilang complimentary extension, alinsunod sa mga umiiral na kondisyon.
Kaya ngayong October 30 hanggang November 30, maaaring subukan ang e-motorcycle models ng VinFast bilang alternatibong paraan ng transportasyon kung saan garantisado ang performance sa sulit na halaga.
Kasalukuyang mayroong 36 operational stores ang VinFast E-Motorcycle Philippines. Mayroon din itong 33 signed dealer partners at nakatakda pang magbukas ng karagdagang store sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Ang VinFast E-Motorcycle ay bahagi ng Vingroup ecosystem sa Pilipinas, na kinabibilangan ng mga VinFast four-wheel electric vehicles (EVs) at Green GSM electric taxi services.

Tumawag o bisitahin na ang pinakamalapit na VinFast dealership sa inyong lugar. | #BCBrandLab