Isang lalaki ang patay habang isa pa ang sugatan matapos ang karumal-dumal na insidente ng pananaga sa Brgy. Binutas, Calauag, Quezon bandang alas-6:30 ng umaga.
Ayon sa Calauag Municipal Police Station (MPS), lumabas na nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang biktimang si Jermilito, 55 anyos, at ang suspek na kinilalang si Carlito, 70 anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Kalibo, Calauag.
Napag-alamang nag-ugat ang insidente sa isang biruan na hindi nagustuhan ng suspek. Dahil dito, bigla na lamang umanong bumunot ng bolo ang suspek at pinagtataga ang dalawang biktima.
Nagtamo ng sugat sa dibdib si Erwin, 27 anyos, na kalauna’y idineklarang patay sa ospital. Si Jermilito, nagtamo ng sugat sa kanang balikat, ay kasalukuyang ginagamot sa Magsaysay Memorial District Hospital.
Sa kasalukuyan, tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang suspek na si Carlito na tumakas matapos ang insidente.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Calauag MPS sa krimen at mahuli ang suspek. | BChannel NEWS