Nilinaw ni Regional Director at RDRRMC Chairperson Carlos Eduardo E. Alvarez III na walang indikasyon ng major magmatic eruption sa Bulkang Taal.
Ayon sa kanya, bagamat may naitalang pagtaas ng seismic energy, posible lamang ang minor phreatic eruption o “pusngat,” na normal sa kasalukuyang Alert Level 1 status ng bulkan.
Pinayuhan ang mga residente sa paligid ng Taal na manatiling kalmado pero alerto, at makinig lamang sa opisyal na anunsyo mula sa DOST-PHIVOLCS at lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, naka-Blue Alert status ang OCD CALABARZON upang tiyakin ang mabilis na tugon kung sakaling tumaas ang alert level. | BChannel NEWS