Inilunsad na ang programang “Benteng Bigas, Meron Na!” ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative o SIDC. Gamit ang 15 KADIWA ng Pangulo outlets sa Batangas, mabibili na ang bigas sa halagang P20 kada kilo.
Ang programang ito ay bahagi ng pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing abot-kaya ang pagkain para sa lahat.
Ayon sa DA, uunahin sa pagbili ang mga kabilang sa vulnerable groups gaya ng 4Ps beneficiaries, senior citizens, solo parents, at PWDs.
Bukod sa murang bigas, may iba pang essential goods gaya ng gulay, karne, itlog, at iba pa sa mga KADIWA outlets.
Target ng programa na maabot ang 15 milyong kabahayan bago matapos ang 2026, habang tuloy-tuloy ang suporta ng Pangulo hanggang 2028.
Dagdag pa ni Asec. Bebang Guevarra ng DA, “Sa SIDC, natutupad ang pangarap nating masagana at abot-kayang pagkain para sa bawat Pilipino!” | BChannel NEWS