Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos saksakin sa Alaminos, Laguna, nitong August 3, 2025, bandang 6:00 PM.
Ang insidente ay naireport sa Alaminos MPS ng 7:20 PM matapos madala sa pagamutan ang biktima na si Ryan, 40-anyos, isang truck assistant at residente ng GMA, Cavite.
Ayon sa initial investigation, habang lasing ang suspek, armado ng bolo, bigla na lang nitong nilapitan ang biktima at walang kadahilanan na sinaksak ito sa dibdib. Agad na dinala si Ryan sa ospital ngunit idineklara siyang Dead on Arrival.
Matapos ang insidente, tumakas ang suspek na si JR, isang residente ng Batangas City, sakay ng motorsiklo na kulay gray, at tumakas patungong hindi tiyak na direksyon.
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng Alaminos MPS, kabilang na ang pag-track ng CCTV at dragnet operations para mahuli ang suspek, gayundin ang motibo nito. | BChannel NEWS