Patay agad ang isang senior citizen matapos saksakin ng barangay tanod sa Brgy. Wawa, Batangas City, nitong hapon, Agosto 4, 2025.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Batangas City Police, ang biktima na si Romeo, 61 anyos, at ang suspek na si Joel, 53 anyos, ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo habang nag-uusap.
Dahil dito, pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang isang kitchen knife, na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.
Ang katawan ng biktima ay dinala sa punerarya, samantalang ang suspek ay boluntaryong sumuko sa mga barangay tanod at Batangas CCPS personnel.
Ayon sa mga awtoridad, pareho silang residente ng Brgy. Wawa. Ang suspek ay isang barangay tanod.
Patuloy ang imbestigasyon ng kaso at inaalam na rin ang pinagmulan ng pagtatalo. | BChannel NEWS