Nasawi ang isang SK Chairman matapos makuryente sa Barangay Bukal, Jomalig, Quezon nitong alas-8 ng umaga, Oktubre 5, 2025.
Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Ramnel, na noo’y nagtatangkang tanggalin ang isang bumbilya sa basketball covered court ng barangay.
Habang ginagawa niya ito, aksidente umano siyang nakuryente, dahilan para siya’y mahulog sa lupa at magtamo ng malulubhang sugat. Rumesponde naman ang mga residente at dinala ang biktima sa pagamutan para sa paunang lunas.
Ang insidente ay iniulat sa Jomalig Municipal Police Station bandang alas-8:30 ng gabi ng parehong araw ni Jailanie, na siyang personal na nagsumbong sa mga awtoridad.
Dahil sa grabeng pinsala, inilipat pa siya sa ibang ospital sa Infanta, Quezon, subalit idineklara na itong dead on arrival. | BChannel news