May tatlong Friday the 13th na papatak ngayong 2026—Pebrero 13, Marso 13, at Nobyembre 13—kung saan magkasunod pa ang Pebrero at Marso.
Kilala ang petsang ito sa Kanluran bilang simbolo ng malas at may tawag pa sa takot dito: paraskevidekatriaphobia o takot sa Friday the 13th.
Ayon sa mga pag-aaral, tinatayang malaking porsyento ng populasyon sa Estados Unidos ang may takot sa numerong 13.
Iniuugnay ang paniniwalang ito sa mga kuwento sa Norse mythology at Kristiyanismo, kabilang ang paniniwalang malas ang ika-13 na panauhin sa isang handaan.
Gayunman, ayon sa ilang eksperto, wala namang siyentipikong ebidensya na nagpapatunay na malas ang naturang petsa at nakaugat lamang ito sa mga alamat at urban legends.
Sa kabila nito, marami pa rin ang nag-iingat o nagbabago ng plano tuwing Friday the 13th, habang ang iba naman ay ginagawang okasyon ito para manood ng horror films at magsaya. | BChannel news