May panibagong 10 porsyentong dagdag sa buwanang pensyon ng mga retirement at disability pensioners ng Social Security System o SSS simula Setyembre 2026.
Bahagi ito ng tatlong taong pension reform program ng ahensya mula 2025 hanggang 2027 kung saan may dagdag-pensyon kada buwan ng Setyembre.
Bukod sa 10% increase para sa retirement at disability pensioners, makatatanggap din ng 5% dagdag ang death at survivorship pensioners na nasa listahan hanggang Agosto 31, 2026.
Sa huling yugto sa Setyembre 2027, magkakaroon muli ng 10% dagdag para sa retirement at disability pensioners at 5% naman sa death at survivorship pensioners.
Sa kabuuan, aabot sa tinatayang 33% ang itataas ng pensyon ng retirement at disability pensioners at 16% naman sa death at survivorship pensioners matapos ang tatlong taon.
Tinatayang nasa 3.9 milyong pensioners ang makikinabang.
Ayon sa SSS, maipatutupad ang dagdag-pensyon nang hindi nagtataas ng contribution rate dahil sa matatag na kita ng pondo na lumampas na sa P1 trillion piso ang reserve fund at umabot sa mahigit P142 bilyong piso ang net income noong 2025. | BChannel news