Nagsampa ng multiple cyberlibel cases si dating senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV laban sa 18 indibidwal na nagpapakilalang “ex-Marines” kaugnay ng alegasyong naghatid umano sila ng mga maleta ng pera sa kanyang bahay.
Ayon kay Trillanes, pabago-bago at hindi tugma ang mga kwento ng grupo sa iba’t ibang interview at press conference, kabilang na ang pag-amin na sa “bags” o “male-maleta” umano inilagay ang pera—na salungat sa kanilang naunang affidavit.
Kabilang din sa sinampahan ng kaso ang ilang hosts ng SMNI na umano’y nag-udyok sa grupo na ilabas ang naturang alegasyon.
Ito na ang pinakabagong hakbang sa serye ng mga kasong isinampa ni Trillanes, na nagsabing hindi siya titigil hangga’t patuloy umanong kumakalat ang maling impormasyon laban sa kanya.