Nagbabala si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na posibleng sumunod ang debt crisis sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa kanya, aabot sa higit P300 billion ang mawawala sa ekonomiya ngayong taon.
Pero diin ni Leviste, hindi lang oil crisis ang problema kundi ang matagal nang pagwawaldas ng pondo ng gobyerno na nagpalobo na sa utang ng bansa na lampas P19 trillion.
Iminungkahi niya ang pagbawas ng government spending, pagreporma sa buwis kabilang ang pagbaba ng VAT, at pananagutin ang mga opisyal na nagpapahirap umano sa publiko. Binigyang-diin din niya ang pagpapatuloy ng flood control projects at paglaban sa korapsyon.
Dagdag pa niya, bagamat hindi kontrolado ang presyo ng langis, nasa kamay pa rin ng gobyerno ang maayos na paggastos at sistema ng buwis upang maiwasan ang mas malalim na krisis sa ekonomiya.