Unang tututukan ng DSWD ang mga lugar na may mataas na bilang ng drivers gaya ng CALABARZON at Central Luzon, kung saan inaasahang aabot sa 750,000 tricycle drivers sa mga probinsya ang makikinabang sa cash aid.
Kasunod ito ng rollout sa Metro Manila kung saan higit 216,000 transport workers na kabilang ang jeepney, tricycle, delivery, at motorcycle taxi riders ang tumatanggap ng bahagi sa halos 1.5 bilyong pisong pondo.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tuloy-tuloy ang payout at hindi lang isang beses ibibigay ang ayuda, bilang tugon sa epekto ng tumataas na presyo ng langis.
Inaayos na rin ang listahan ng mga benepisyaryo, at tiniyak ng ahensya na magkakaroon ng special payout para sa mga driver na hindi naisama sa unang listahan.
Pinapaalalahanan ang mga driver na i-check muna ang kanilang pangalan at schedule bago pumunta sa payout centers para maiwasan ang aberya.