Patay ang rider at angkas nito matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang pick-up truck sa Bypass Road, Brgy. Dumantay, Batangas City, Biyernes ng gabi, March 27.
Batay sa imbestigasyon ng Batangas City Component Police Station, nangyari ang insidente bandang 8:35 PM habang binabagtas ng motorcycle ang nasabing kalsada mula Brgy. Gulod Itaas patungong Brgy. Paharang West nang salpukin nito ang kaliwang unahang bahagi ng isang pick-up na galing naman sa Brgy. Sampaga papuntang Brgy. San Pedro.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng matinding pinsala ang rider at ang kanyang back rider, na kapwa residente ng Brgy. Dumantay. Agad silang dinala sa magkahiwalay na ospital ngunit kapwa idineklarang dead on arrival.
Kinilala ang rider bilang isang 33-anyos na delivery driver, habang ang kanyang angkas ay 36-anyos na helper. Samantala, ang driver ng pick-up ay isang 35-anyos na company driver na residente ng Cavite.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng banggaan. | BChannel News