fbpx

PEDIATRIC VACCINATION ROLLOUT, ISINAGAWA SA TANAUAN CITY

Umarangkada na sa lungsod na ito ang pagbabakuna kontra CoViD-19 para sa mga batang nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Matagumpay na naisagawa ang “pediatric vaccination kick-off” noong Nobyembre 8, 2021 sa C.P. Reyes Hospital na ipinagpatuloy noong Nobyembre 9, 2021 sa Laurel Memorial District Hospital.

Nasa kabuuang 186 na bata ang tumanggap ng “Pfizer-BioNTech Vaccine” sa mga naturang ospital na pawang kabilang sa “Pediatric A3 Category.”

Ang programang ito na inilunsad ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili, Vice Mayor Atty. Junjun Trinidad at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ay naisakatuparan sa pamamagitan ng tanggapan ng City Health Office na nasa pangangasiwa ni Dr. Adel Bautista, City Health Officer, kaisa ang mga kawani ng C.P Reyes Hospital, sa pangunguna ni Medical Director Carlito M. Reyes Jr., mga kawani ng Laurel Memorial District Hospital sa pangunguna ni Dr. Venus P. De Grano, at mga kinatawan ng Department of Health.

Juvy Anne Soque / CIO Tanauan | Photo Courtesy: Roderick P. Lanting

About Author