fbpx

TSISMOSONG BRGY. CHAIRMAN, HINATAW NG ITAK NG ISANG ESTUDYANTE

Sugatan ang isang barangay chairman nang hatawin ng itak ng isang estudyante sa Nagcarlan, Laguna.

Nagtamo ng sugat sa kanang braso si Edgardo Quejda, 59-taong gulang, chairman ng Brgy. Banca-banca.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinugod ng suspek na si alyas Domeng si Quejada sa barangay hall bandang alas 2:15 ng hapon nitong Nobyembre 21.

Kinompronta ng suspek ang kapitan hinggil sa pagpapakalat ng impormasyon umano na COVID-19 ang ikinamatay ng isang niyang kaanak.

Pinagsusuntok ni Domeng si Quejada, pero naawat ito ng ilang barangay officials sa kanilang lugar.

Umalis ang suspek at umuwi ng bahay, pagbalik nito ay may dala na itong itak at agad na pinagtataga ang kapitan ng barangay na siyang ikunasugat sa kanang braso ng  brgy. Chairman.

About Author