“Ako’y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi.”- Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
Sa pagdiriwang natin ng ika-125 na taong anibersaryo ng kabayanihan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ating alalahanin ang kanyang tapang at kagitingan na nagsilbing inspirasyon sa pagbangon ng ating bayan. #RizalDay