Muling pinasinungalingan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ulat ng mga organizer ng ‘kakampink’ rally sa Pasay City nitong Sabado na sinabing umabot sa 420,000 ang mga taong dumalo.
Ayon sa pulisya, umabot lang aniya sa 90,000 hanggang 100,000 lang ang mga kakampink na dumayo sa Macapagal boulevard.
Magugunitang sa campaign rally ng mga ‘kakampink’ sa Pampanga noong Abril 9 ay sinabi ng mga organizer na umabot sa 200,000 ang mga dumalo.
Nilinaw agad ng pulisya na nasa 70,000 lang ang mga kakampink sa naturang rally.