
Muling namahagi ng mga inahing baboy ang pamahalang lungsod ng Calaca para sa mga small backyard hog raisers sa pamamagitan ng Department of Agriculture CALABARAZON, Provincial Veterinary Office, City Agriculture office, at sa pamumuno ni Mayor Nas Ona sa ilalim ng kanilang proyekto na Bantay ASF sa Barangay: Hog Repopulation Program.
Layon kasi ng naturang programa na ipagpatuloy ang Hog Repopulation Program kaugnay ng pagkadeklarang ASF-FREE ang naturang Lungsod.
Bukod sa mga baboy ay nabigyan din sila ng mga veterinary supplies tulad ng gamot at bitamina, feeds, at disinfectant.
Ayon sa LGU, patuloy na umaasa ang tanggapan para sa matibay na pakikipagtulungan, pakikisama, at pagsunod sa mga hakbangin upang tuloy-tuloy na maproteksyunan ang industriya ng pagbababuyan laban sa ASF Virus