fbpx

11 Palestinian, patay sa Israeli Raid

BBC

Pinatay umano ang 11 Palestinian ng mga sundalong Israeli, kabilang ang hindi bababa sa apat na gunmen at apat na sibilyan, habang nasagutan naman ang higit 100 na katao sa ginawa nitong pagsalakay noong Miyerkules sa Nablus, ayon yan sa sinabi ng mga saksi, militanteng grupo at medical officials.

Ito ay na kinumpirma kinalaunan ng Israel military habang ginigiit nito na ang nasabing pag-patay ay nangyari matapos silang pagbabarilin, kasabay nung sinusubukang pigilan ng militar ang mga militanteng pinaghihinalaang nagpaplano ng pag-atake.

WSJ


Sumbat naman ng Jihad, isang Islamic lider ng Palestinian militant faction, pinaligiran umano ng mga sundalong Israeli ang dalawa sa mga kumander ng Nablus sa isang bahay, na naghantong sa sagupaan na umani ng iba pang mga armadong lalaki. Tumunog naman ang mga pagsabog at pinagbabato ng mga kabataan ang mga sundalo.


Ayon sa mga saksi, napatay ang dalawang kumander pati ang isang gunman. Kasama na rin sa mga napaslang ang apat na sibilyan, kabilang sa kanila ang isang 72-anyos na lalaki at isang 14-anyos na batang lalaki. | L.Bermudez intern

About Author