fbpx

4 na magkakapatid, patay matapos masalpok ng truck ang sinasakyang kolong-kolong

Kalunos-lunos ang sinapit na pagkamatay ng apat na batang magkakapatid sa malagim na aksidente sa kalsada ng Brgy., Manibaug Pasig, Porac, Pampanga noong Miyerkules ng gabi.

Ang mga biktima ay may edad na 2, 6, 8, at 10 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang sakay ng kolong-kolong o motorsiklo na may sidecar, ang apat na magkakapatid na minamaneho ng kanilang ama nang araruhin umano ng truck ang sinasakyan nila.

Ayon pa sa report, nakahinto ang kolong-kolong at patawid na sana sa highway nang salpukin ito ng mabilis na truck mula sa kanilang likuran.

Patay-on the spot ang dalawang bata, habang dinala naman sa ospital ang dalawa nilang kapatid, subalit sa kasamaang palad binawian din nang buhay noong Huwebes ng umaga.

Nakaligtas naman sa aksidente ang ama nila na nagmamaneho ng motor.

Napag-alaman na galing pa sa lamay ang mga biktima nang maganap ang insidente.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng pulisya ang truck driver at mahaharap sa kaukulang kaso.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Porac maging si dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo, sa pamilya ng mga bitkima.

About Author