fbpx

32-anyos na lalaki, patay matapos saksakin sa Rosario, Batangas

Patay ang isang 32 anyos na lalaki matapos pagsasaksakin sa Barangay. Colongan, Rosario, Batangas, nitong Easter Sunday, Marso 31.

Ayon sa inisyal na ulat ng Rosario Police Station, bandang alas 6:20 ng gabi, bumisita lamang ang biktima sa kanyang anak sa ka live-in-partner nito sa naturang lugar.

Ngunit nang makita ito ng suspek na kilala sa alyas na “Leopoldo”, bigla nitong sinaksak ng tatlong beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima gamit ang bolo, na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Bukod dito, ang naturang suspek din ang nag-abduct umano sa kanyang common law wife.

Base pa sa imbestigasyon ng Rosario Police, matagal na umanong may galit at sama ng loob ang suspek sa naturang biktima, kaya’t na-trigger ito upang gawin ang pagpatay.

Sa ngayon, nasa kustudiya na ng Rosario MPS ang suspek at nahaharap ito sa kasong Murder. | J.A Idanan, B.Channel News

About Author