fbpx

Citihomes Builder & Development, Inc. Inilunsad ang Pinakamalaking Township Development sa Lipa City, Batangas

Pormal na inilunsad ng Citihomes Builder & Development, Inc. (CBDI) ang kanilang pinakamalaking proyekto—ang Paseo de Lipa, isang 100-ektaryang master-planned community sa Lipa City, Batangas nitong Miyerkules, Enero 15, 2025.

Ang Paseo de Lipa ay nagtatampok ng limang residential villages, apat na mixed-use commercial zones, at pangunahing kalsadang nag-uugnay sa Lipa-Ibaan Road at Adya Road.

Ayon sa CBDI, mayroon din itong tatlong tulay na nagdudugtong sa tatlong barangay.

Sa isinagawang press conference sa isang resort sa Ibaan ni CBDI Executive Vice President John Philip Wang at CBDI CEO and President Rosie Tsai, ang proyekto ito ay naglalayong pagsamahin ang modernong pamumuhay at tradisyunal na pagpapahalaga sa pamilya.

Ipinagmalaki pa niya na ang mga bahay dito ay may kasamang solar panels, rainwater harvesting systems, at freshwater tanks.

Idinagdag pa ni Wang na ang CBDI ay nakatuon sa pagsasama ng class-leading sustainability features sa kanilang kasalukuyan at hinaharap na mga housing project. Ginagarantiyahan din ng kumpanya ang abot-kayang presyo at flexible financing options para sa mga mamimili.

Bukod sa malalapit na komersyal na pasilidad, ang Paseo de Lipa ay dinisenyo upang magbigay ng balanseng pamumuhay sa loob ng maaliwalas na kapaligiran ng Batangas.

Ang proyektong ito ay nagpapakita ng pangako ng CBDI sa pagsuporta sa pamilyang Pilipino at pangangalaga sa kalikasan. | JPamintuan – BChannel NEWS

About Author