Isang lalaki ang sugatan matapos barilin sa bandang alas-5 ng hapon noong Enero 21 sa Barangay Cahil, Lungsod ng Calaca, Batangas.
Ayon sa Calaca City Police, nag-ugat ang insidente sa banggaan ng motorsiklo ng biktima na si Emerjohn at suspek na si Wilmer na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng komprontasyon, pinaputukan ng suspek ang biktima at tinamaan sa ibabang bahagi ng tiyan.
Agad isinugod ang biktima sa Ospital ng Calaca para sa gamutan.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek, dala ang ginamit na baril.
Kinilala ang biktima na 34-anyos na residente ng nasabing barangay, habang ang suspek ay legal na edad at residente rin ng lugar. Patuloy ang dragnet operation at tinutugis na ng pulisya ang suspek na nananatiling at-large. | BChannel news