Kabilang ang Batangas State University – Malvar Campus sa mga Top Performing Schools sa February 2026 Licensure Examination for Criminologists matapos makapagtala ng 100 percent passing rate, kung saan 92 sa 92 examinees ang matagumpay na pumasa.
Kasama rin sa mga nangunang paaralan sa kategoryang may 51 hanggang 100 examinees ang Tarlac State University, Cavite State University – Bacoor City Campus, at Laguna State Polytechnic University – San Pablo, na pawang nakapagtala rin ng 100 percent passing rate.
Samantala, sa mga paaralang may 200 o higit pang examinees, nanguna ang University of Iloilo matapos makapagtala ng 448 passers mula sa 463 examinees, o 96.76 percent passing rate.
Sa kategoryang may 101 hanggang 199 examinees, nanguna ang Cavite State University – Don Severino Agricultural College na may 99.25 percent passing rate, habang sa mga paaralang may 200 o higit pang examinees, nangunguna ang University of Iloilo na may 96.76 percent passing rate.
Ayon sa Professional Regulation Commission o PRC, 30,320 sa 45,936 examinees ang pumasa sa criminology board exam na ginanap noong February 2026 sa 31 testing centers sa buong bansa.
Samantala, nanguna sa pagsusulit si Khim Erole L. Batersal ng Lanao School of Science and Technology na may 93.05 percent rating. | BChannel News