Nilinaw ng Department of Education o DepEd na kasama sa curriculum ang pagtuturo ng actual use ng contraceptives, kabilang ang condoms, simula Grade 8.
Inihayag ito ni Education Secretary Sonny Angara sa House committee on appropriations hearing para sa proposed 2027 DepEd budget nitong Monday.
Ang paglilinaw ay kasunod ng tanong ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña kung kasama sa reproductive health education ang tamang paggamit ng condom at kung kailan ito ituturo sa mga estudyante.
Ayon kay Angara, bahagi ng curriculum ang responsible reproductive health at mga paraan para maiwasan ang unwanted pregnancy.
Nilinaw niya na ang lessons tungkol sa body parts ay naituturo na sa mas mababang grade levels, pero ang actual use ng contraceptives ay nasa Grade 8.
Karaniwang nasa 13 hanggang 14 years old ang mga estudyante sa Grade 8.
Ipinaliwanag ni Cendaña na mahalaga ang usapin dahil patuloy na concern ang adolescent pregnancy at HIV sa bansa. Binanggit din niya ang mga recent cases ng school violence bilang bahagi ng mas malawak na pangangailangan para sa health at safety education ng kabataan.
Hiniling din ng mambabatas sa DepEd na isumite sa committee ang curriculum standards na gagamitin para sa rollout ng reproductive health education.
Ayon kay Cendaña, ita-take note ng committee ang commitment ng DepEd na ituro ang proper use ng condom at protection sa Grade 8.
Sumang-ayon naman si Angara na ibigay sa committee ang curriculum standards.
Ang reproductive health education ay bahagi ng requirements sa ilalim ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Law.