Opens in a new tab
Skip to content
National

Legarda, posibleng makaboto sa impeachment trial kung makabalik ayon kay Gatchalian

Posibleng makaboto pa rin si Senator Loren Legarda sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kung makakabalik siya sa Senado at present sa oras ng botohan.

Ito ang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, kasunod ng hinihinging panibagong extension sa medical leave ni Legarda.

Naka-leave ang senadora simula Agosto 3, matapos ang huli niyang pagdalo sa Senate plenary noong Hulyo 29.

Ayon sa kanyang spokesperson na si Atty. Tony La Viña, nagpapagamot si Legarda sa France para sa kondisyon sa baga at autoimmune condition.

Nilinaw naman ni Gatchalian na may rules ang Senado sa pagboto sa impeachment case. Hindi maaaring bumoto sa final judgment ang senador na hindi dumalo sa paglilitis o hindi nakinig sa testimonya ng mga saksi.