Opens in a new tab
Skip to content
National

Remulla, makikipag-usap sa True Brown Style o TBS members sa Cavite

Plano ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na makipagpulong sa mga miyembro ng True Brown Style o TBS community-based group sa Cavite sa susunod na linggo, bilang bahagi ng government effort na magkaroon ng dialogue sa grupo.

Ayon kay Remulla, ilalatag niya sa mga TBS members ang policy ng pamahalaan at umaasa siyang maresolba ito sa maayos na usapan. Ilan din umano sa mga miyembro ng grupo ang nakikipag-ugnayan na sa authorities para sa posibleng dialogue.

Sinabi ng kalihim na maaari pa ring maging productive members of society ang mga TBS member kung handa silang magbago. Pero malinaw aniya na magpapatuloy ang police operations laban sa mga miyembrong sangkot sa illegal activities.

Labintatlong TBS members ang kamakailang naaresto dahil sa iba’t ibang kaso, kabilang ang illegal drugs, illegal possession of firearms at robbery.

Sa mass rally naman sa Mendiola noong September 21, 90 katao ang naaresto, at 55 sa mga ito ang sinabing nakilalang TBS members.

Samantala, nanawagan ang TBS Worldwide na huwag lahatin ang kanilang members bilang criminals. Giit ng grupo, hindi lahat ng may TBS affiliation ay gumagawa ng illegal activities.

Nagmula ang TBS sa California, United States at nakarating sa Pilipinas 25 years ago. Ayon kay Remulla, mayroon na itong members sa humigit-kumulang 78 provinces.

Nauna nang sinabi ni Remulla na iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa authorities na buwagin ang organisasyon dahil sa mga kasong iniuugnay dito.