Opens in a new tab
Skip to content
Local

Jackpot na P115.99 million megalotto, nasungkit; P401.33 million ultra lotto, wala pa ring winner – PCSO

Isang lucky bettor mula sa Camarines Sur ang nanalo ng mahigit ₱115.99 million jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO nitong Biyernes, October 16, 2026.

Nakuha ng bettor ang jackpot na nagkakahalaga ng ₱115,989,634.14 matapos tumama ang lahat ng anim na winning numbers na 08-22-19-10-35-27.

Samantala, wala namang nakahula sa winning combination ng Ultra Lotto 6/58 kaya hindi napanalunan ang jackpot nitong nagkakahalaga ng ₱401,335,541.99.

Ang winning numbers nito ay 21-12-30-04-36-41.

Ayon sa PCSO, ang MegaLotto 6/45 ay may draws tuwing Monday, Wednesday, at Friday, habang ang Ultra Lotto 6/58 ay ginaganap tuwing Tuesday, Friday, at Sunday.

Ang susunod na draw ng Ultra Lotto 6/58 ay sa Linggo, October 18, habang ang MegaLotto 6/45 naman ay sa Lunes, October 19.

Paalala ng PCSO, itago at ingatan ang winning ticket dahil ito ang kailangang ipakita sa pag-claim ng premyo.