Tatlong hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Malitam 1, Batangas City, Martes ng gabi, April 7.

Bandang 7:27 PM, nagsanib-puwersa ang mga operatiba mula PDEA, Batangas City Police, at NBI para sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli kina Banjo, 31; Vergil, 28; at Johnrey, 34 na pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon sa PDEA CALABARZON, narekober mula sa mga suspek ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 68,000 pesos, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong indibidwal. | BChannel News