Inendorso na ng Senate Finance Subcommittee A para sa plenary deliberations ang proposed ₱785.204-million budget ng Office of the Vice President o OVP para sa 2027, matapos ang hearing na tumagal nang wala pang 20 minutes ngayong October 20.
Mas mababa ito ng ₱104.032 million o 11.7 percent kumpara sa ₱889.236 million na budget ng tanggapan noong 2026. Kabilang sa mga programang ipinagpapatuloy ng OVP ang Libreng Sakay, livelihood assistance na Magnegosyo Ta’ Day, at iba pang public service initiatives.
Hindi dumalo sa hearing si Vice President Sara Duterte. Ayon kay OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, kinatawan ng Bise Presidente ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa inurnment ng kanilang matagal nang city planner sa Davao City.
Samantala, umaasa si Senate President Win Gatchalian na personal na ipagtatanggol ni Duterte ang proposed budget ng kaniyang tanggapan sa plenary deliberations.