Opens in a new tab
Skip to content
Local

5 suspek sa sunod-sunod na nakawan, napatay sa engkuwentro sa Bacoor, Cavite

Patay ang limang hinihinalang miyembro ng isang robbery group matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis kasunod ng habulan malapit sa Molino 4 Flyover sa Bacoor City, Cavite nitong Martes ng hapon, November 3.

Batay sa initial police reports, planong looban ng grupo ang isang exclusive subdivision sa kahabaan ng Molino Boulevard nang mamataan sila ng mga awtoridad.

Nauwi sa shootout ang pagtugis habang sakay ng magkahiwalay na sasakyan ang mga pulis at suspek. Isa sa mga suspek ang napaulat na nahulog mula sa kanilang sasakyan habang nagpapalitan ng putok.

Iniuugnay ang grupo sa tinatawag na Gapos Gang na pinaghihinalaang sangkot sa mga robbery sa malalaking commercial establishments, jewelry stores, at private subdivisions sa CALABARZON.

Dalawa sa mga nasawi ang iniuugnay sa pagnanakaw sa isang jewelry store sa General Mariano Alvarez, Cavite, habang ang isa naman ay hinihinalang AWOL o absent without official leave na pulis.

Patuloy pang bine-verify ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng limang nasawi at ang posibleng koneksyon nila sa iba pang robbery cases sa Cavite at mga karatig-lugar.